Ang Alibata ni Mike at ni Pol
(a true story)
Mayroon akong kakilala
Dalawang tao sa T.U.P.
Ang pangalan ng isa ay Mike
At ang isa naman ay Pol
Sila ay kapwa noon nahilig
Sa pagsusulat ng mga titik
Titik na ang ginamit
Ay Alibata na kanilang hilig
Ang istilo nitong si Mike
Ay pagsulat ng kanyang buhay
At ito naming si Pol
Sa pagpinta isinalaysay
Naalala ko pa nga noon
Ang Alibata na animoy ibang titik
Hindi kilala nino man
Ngunit si Mike at Pol ay nahilig
Isang araw itong si Mike
Nakitaan ko ng "notebook"
May nakasulat na Alibata
At litrato ng pagkabata
Yung pala ang kanyang buhay
Sa quezon nya pinuno ng kulay
Bagaman marami ang pinaluha
Siguradong mas marami ang natuwa
Heto namang si Pol
Na mahilig magpinta
Guamwa ng isang obra
Pininta ang titik ng Alibata
Alam nyo ba ang kinalabasan
Haay naku parang isang karimlan
Ang obrang ito ay nagustuhan
Ng mga huradong nagpapalakpakan
Isang obrang ukol sa Alibata
Ipininta at binigyang buhay
Ginamitan ng ibat ibang kulay
Nitong si Pol na nagkamalay
Oo, si Pol at si Mike
Bagaman magkaiba ang nagging buhay
Iisa ang hangarin iisa ang mithiin
Magkaiba nga ang kanilang tinahak na landas
Ngunit magkasamang tumuklas
Sa kinalaman ng bato sa Roma
Ng tatsulok at ng lupa
Oo’t magkaiba ang buhay
Nitong si Mike at si Pol na mahusay
Ngunit iisa ang kanilang hangarin
Ang Alibata ni Juan ay mapansin
Tula Ukol sa Alibata ni: Sam Casuncad
No comments:
Post a Comment